-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng bigas sa buong taon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Agriculture Sec. William Dar, sinabi nito na sa ngayong 92% na sapat ang supply ng bigas sa bansa.

Ayon kay Dar, tataas pa aniya ito sa mga susunod na buwan

Sinabi pa ng kalihim may ginawa nang maraming rice supply scenarios ang ahensya upang magkaroon ng isang malinaw na projection sa pagtatapos ng rice stock inventory.

Kasabay nito, tiniyak din ni Dar na upang maiwasang kontrolin ng mga negosyante ang presyuhan ng bigas sa bansa, mag-iinspeksyon sila sa mga bodega ng mga rice trader.