-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng karne ng baboy kahit na tinamaan ng African Swine Fever (ASF) ang hog industry ng bansa.
Sinabi ni DA Undersecretary Ariel Cayanan, na sa 12.8 million na baboy ay 237,000 lamang ang naapektuhan ng sakit mula pa noong Marso 2.
Ang mga pinatay na baboy na nadapuan ng ASF ay maliit lamang na porsyento sa suplay ng baboy sa bansa.
Hanggang anim na buwan ay mananatili ang suplay ng karne ng baboy sa bansa.
Una nang inamin ni DA Sec. William Dar na umaabot na sa P80 billion ang nalulugi sa industriya ng babuyan.