-- Advertisements --
Umabot na sa anim na mga Filipinos ang sugatan sa patuloy na missile strike ng Iran sa Israel.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mayroong apat na mga Filipinos ang nakalabas na ng pagamutan.
Habang isa naman ang patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
Nasa kritikal na kalagayan naman ang isang Filipino caregiver matapos na tamaan ng debris mula sa gusali na tinamaan ng air strkes.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng OWWA kasama ang Department of Migrant Workers sa mga Pinoy na nasugatan.