-- Advertisements --

NAGA CITY – Umaabot na sa 50 mga pasahero ang stranded sa pantalan sa Camarines Sur dahil sa sama ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Ensign Bernardo Pagador Jr., station commander ng Philippine Coast Guard (PCG) Camarines Sur, sinabi nito na nasa 41 mga pasahero na ang naitatalang stranded sa Pasacao Port.

Lahat umano ito ay biyaheng San Pascual, Masbate.

Ayon ki Pagador dapat alas-5:30 kaninang umaga ang biyahe ng mga pasahero ngunit kinansela umano ng PCG-Masbate ang mga biyahe sa nasabing isla dahil sa lakas ng alon sa karagatan.

Muli namang nagpaalala ang opisyal sa pagdoble ingat ng mga mangingisda sa pagpapalaot sa karagatan.