Lalo pang nabaon sa mas maraming pagkatalo ang San Antonio Spurs, matapos itong tambakan ng Oklahoma City Thunder ng 36 points, 123 – 87.
Mistulang naging madali lamang para sa Thunder na pataubin ang Spurs, matapos i-domina ang lahat ng kwarter.
Sa pagtatapos ng ikatlong kwarter ng laro, hawak na ng Thunder ang 29 points na kalamangan at pinagpahinga na rin ng coaching staff ang mga pangunahin nitong players katulad ni Shai Gilgeous-Alexander.
Sa loob lamang ng 28 mins na paglalaro, nagawa ni Shai na magpasok ng 28 points at 6 rebounds. Nag-ambag naman ng 18 points 7 rebs at 7 assist ang all-around player na si Josh Giddey.
Sa panig ng Spurs, nagpakita ng defensive side ang rookie na si Victor Wembanya matapos siyang umagaw ng 14 rebounds. Gayonpaman, nalimitahan lamang ito sa walong puntos.
Mistulang inalat din ang iba pang players ng Spurs dahil umabot lamang sa 13 points ang pinakamalaking puntos na naipasok ng mga ito,
Sinamantala ng Thunder ang kahinaan ng Spurs sa opensa matapos malimitahan ang huli sa 38.7% field goal habang hawak ng Thunder ang halos 52% na offensive firepower.
Walong laro na ang naipatalo ng Spurs mula sa 11 total games na pinagdaanan, habang 7 wins, 4 losses naman ang hawak ng Oklahomay City Thunder.