-- Advertisements --

Sinimulan na ng Spain ang pagluwag ng lockdown para makabawi sa ekonomiya.

Pinayagan na ng gobyerno na makabalik sa trabaho ang mga tao na nasa construction at ilang mga kahalintulad pero may mga striktong guidelines pa rin na sinusunod.

Ang mga walang mga trabaho ay dapat talagang manatili sa loob ng kanilang mga bahay.

Aabot kasi sa halos 17,500 katao matapos dapuan ng coronavirus.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng tuluyang pagbaba ng mga bilang ng mga nadadapuan ng sakit.

Inamin ni Prime Minister Pedro Sanchez na medyo matatagalan pa ang kanilang bansa bago tuluyang makamit ang tagumpay laban sa coronavirus.