-- Advertisements --
Kinondina ng South Korea ang ginawang pagpapakawala ng artillery missile ng North Korea sa kanilang buffer area.
Ang nasabing buffer zone ay itinayo noon pang 2018 sa silangan at timog na karagatan ng dalawang bansa para mabawasan ang tension.
Ayon sa South Korea’s Joint Chiefs of Staff, na mayroong 250 rounds ng missiles ang pinakawalan ng North Korea sa lugar.
Malinaw aniya ito na paglabag sa 2018 agreement ang ginawa ng North Korea.
Nanawagan sila na agad na itigil ito ng North Korea dahil sa nag-uudyok ito ng mas malalang kaguluhan sa lugar.