Hinimok ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang mga local government officials sa buong bansa na makipag ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsasagawa ng regular na building inspections upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Ang panawagan ni Yamsuan ay bunsod sa nangyaring deadly fire sa Manila na ikinasawi ng 11 katao.
Itinutulak din ni Rep. Yamsuan ang mabilis na pag-apruba sa panukalang New Building Act na layong bawiin ang lipas na o obsolete na National Building Code at magpatupad ng mga mahigpit na hakbang sa design, construction at maintenance sa mga buildings upang matiyak ang kaligtasan ng mga laban sa apoy.
Sinabi ni Yamsuan na napakalungkot ng trahedyang nangyari sa Binondo kaya hindi dapat ipagwalambahala ang kaligtasan lalo na pagdating sa pagpapatayo ng anumang istruktura.
Kaya panahon na para palitan ang 47-year old building code ng bagong batas na layong gawing matatag ang mga gusali laban sa sunog, lindol, baha at iba pang panganib.
Pinuri ni Yamsuan si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. dahil sa pagtiyak na mananagot ang mga indibidwal na responsable sa trahedya.
Tinukoy din ni Yamsuan na ang iminungkahing New Building Act na nakabalangkas sa House Bill 8500 ay nagbibigay ng institusyon sa mandatoryong pagtatasa ng mga istrukturang higit sa 15 taong gulang upang matiyak na ang mga ito ay ligtas sa mga panganib.
Ang HB 8500, kung saan kabilang si Yamsuan sa mga pangunahing may-akda, ay ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara noong Agosto ng nakaraang taon. Ilang counterpart measures ng panukalang batas ang nakabinbin sa Senado.
Bukod sa pagbibigay para sa mandatoryong pagtatasa ng mga gusaling higit sa 15 taong gulang, ang HB 8500 ay nagsasaad din na ang mga clearance sa structural stability at fire safety construction mula sa Office of the Local Building Official na nilikha sa ilalim ng panukala ay magiging isang paunang requirement para sa pagpapalabas ng renewal ng business permit o permit to operate, para sa bagong occupancy o occupancy pagkatapos ng labinlimang (15) taon mula sa petsa ng pagkumpleto ng gusali o istraktura.
Sinabi ni Yamsuan na tutulungan ng BRSC ang Kalihim ng DPWH, sa kanyang kapasidad bilang National Building Official (NBO) sa pagrepaso at pagrerekomenda ng mga tuntunin at regulasyon at reference standards sa ilalim ng bagong building code.