Napanatili ng severe tropical storm Siony ang taglay na lakas, isang araw bago ang inaasahang pag-landfall nito sa extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 115 kph.
Signal No. 2: Batanes at Babuyan Islands
Signal No. 1: Northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan) at northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
Samantala, isa pang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ng Pagasa silangan ng Pilipinas.
Huli itong namataan sa layong 1,920 km sa silangan ng Visayas.
Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.