Pumanaw na ang kilalang televangelist na si Jim Bakker sa edad na 86.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Lori Bakker ang pagpanaw subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.
Sumikat si Bakker noong 1970 bilang co-host ng “The PTL Club”na inilunsad kasama ang dating asawang si Tammy.
Tinaguyod ng mag-asawa ang Heritage USA na isang Christian theme park na matatagpuan sa South Carolina.
Gumuho ang kanilang empire noong 1980 dahil sa sex and money scandal.
Kinasuhan si Bakker ng fraud at conspiracy dahil sa hindi tamang paggamit ng pondo ng minstry at pagbebenta ng “lifetime membership” sa hotel na hindi naman natapos.
Dahil dito ay nahatulan siyang makulong ng 45 taon subalit umabot lamang ng limang taon ito nakulong at nakalaya.
Pagkalabas niya sa kulungan ay bumalik ito sa telebisyon at doon inilunsad ang “The Jim Bakker Show” kasama si Lori kung saan tinatalakay dito ang biblical prophecy at kasalukuyang kaganapan.
Nagdivorce sina Tammy at Jim at taong 2007 ng pumanawsi Tammy kung saan mayroon silang dalawang anak.













