Itinaas na ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa Batanes at eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl., kabilang na ang mga kalapit na islets).
Signal number one (1) naman ang umiiral sa natitirang parte ng Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan), at northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 km sa silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 10 kph.