-- Advertisements --
Inihayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang paglilinaw kaugnay sa pangmba ng ilang senior citizens na mistula silang naka-house arrest pa rin kahit nasa General Community Quarantine (GCQ) ang kanilang lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na siya ring tagapagsalita ng IATF, general rule lamang ang pagbabawal sa mga edad 60 pataas pero meron namang exemptions.
Kasama umano sa mga pwedeng makalabas na ang mga nagpapatakbo ng mga negosyo, mga nagtatrabaho at may working clearance, mga kailangang magpagamot o bibili ng mga medical supplies at iba pang may lakad na maituturing na essentials.