-- Advertisements --
ILOILO CITY- Patay na nang matagpuan ang nawawalang senior citizen sa Pototan, Iloilo.
Ang biktima ay si Cecilia Paligumba, 71, byuda, at residente ng Barangay Tuburan, Pototan, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Ciriaco Esquilarga, hepe ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na naglayas noong Marso 16 si Paligumba dahil ito umanoy nagtampo sa kaniyang mga anak.
Aniya, makailang beses na din na nagtangkang magpakamatay ang biktima.
Sinabi rin nito na problema ni Paligumba ang kanyang mga anak na halos lahat ang may sakit sa pag-iisip.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insdidente.