-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Binawiran ng buhay ang isang senior citizen matapos ang aksidente sa daan kaninang alas 12:10 ng umaga sa may P-2 Brgy. Antongalon, Butuan City. Nakilala ang biktima na si Dominador A. Rosales Sr., 64-anyos, may-asawa at residente sa Purok-3, Brgy. Antongalon, Butuan City.

Ayon kay Police Corporal Jerome Binlones, imbestigador sa Butuan City Police Station-4, na galing sa sayawan ang biktima na lasing at nang tumawid ito sa national highway, nabangga ng isang wing van na minamaneho ni Arjay Carlos Antonio, 38-anyos, residente sa Imurong Baggao, Cagayan kasama si Eric Lorenzo Batang, 41-anyos, menyu na taga Cagayan Valley.

Napag-alamang galing sa Davao City ang nasabing wing van na patungo sanang Nueva Ecija. Nagkabali-bali ang ibang parte ng katawhan ng biktima at nawasak pa ang ulo nito dahilan sa kaniyang agarang kamatayan.

Nasa kustudiya na sa Butuan City Police Station-4 ang nasabing sasakyan pati na ang sakay nito para sa tamang disposasyon habang nag-areglo naman ang pamilya sa biktima.