-- Advertisements --

Nangangamba si Senadora Imee Marcos sa posibilidad na mabahiran ng political provisions kapag nabuksan na ang talakayan sa pag-amyenda sa 1987 Philippine constitution. 

Magugunitang sa kahahain lamang ng Resolution of Both Houses #6, malilimita lamang sa edukasyon, public services at advertising sa ilalim ng economic provisions and sinasabing aamyendahan. 

Ngunit, ayon kay Marcos, hindi mapagbabawalan ang sinumang mambabatas na maghain ng kung ano-anong pagbabago na wala nang kinalaman sa economic provisions. 

Ayon pa kay Marcos, sa halip na magkaroon pa ng charter change maaaring idaan na lamang sa normal na proseso sa paggawa ng batas. 

Gayunpaman, bukas naman ang Senadora na pag-aralan ang resolusyon. 

Ngunit sa ngayon aniya ay wala siyang nakikitang malaking maitutulong sa taumbayan kung babaguhin ang economic provisions at papayagan ang foreign ownerships sa mga public utilities, advertising at edukasyon. 

Malabnaw din ang Senadora sa inihaing resolusyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri para amyendahan ang ilang economic provisions ng saligang batas. 

Ayaw aniyang baggitin na itong inihaing resolusyon ay isang constitutional assembly at sa halip ay idinaan sa botohan. 

Gayunpaman, suportado ni Marcos si Zubiri dahil dinidepensahan nito ang Senado sa oras na natuloy ang people’s initiative.