-- Advertisements --

Nagpaalala si Senadora Imee Marcos sa mga pribadong kompanya na ang mga dating rank-and-file na sinibak ay may karapatan pa rin sa benepisyong hatid ng batas ng 13th-Month Pay.

Nagbase si Marcos sa kalkulasyon sa minimum na sahod para sa walong oras na trabaho sa Metro Manila.

Iginiit din ng Senadora na ang mga guro sa pribadong paaralan ay may espesyal na karapatan sa buong 13th-month pay kung sila ay naglingkod ng hindi kukulangin sa isang buwan sa loob ng isang taon.

Ang benepisyo ng 13th-month pay ay naisabatas bago mag-Pasko noong 1975 sa pamamagitan ng Presidential Decree 851, na layuning “protektahan ang antas ng totoong sahod mula sa epekto ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.”

Ipinunto ni Marcos na may ilang araw pa para maipamahagi ng mga kompanya ang 13th-month pay bago mag-Disyembre 24, ang itinakdang deadline ng batas.