Agad dumipensa ang kampo ni Sen. Ralph Recto sa pagiging pinakamagastos na senador, base sa lumabas na Commission on Audit (COA) report para sa taong 2019.
Matatandaang pumalo sa P113.4 million ang kabuuang nagamit na pondo ng opisina ni Recto.
Pero giit ng senador, inilaan ang mga ito sa sahod, extraordinary at miscellaneous expenses, local at foreign trips, travel expenses ng staff, meetings, conferences, professional consultancy, supplies at materials, renta ng sasakyan at equipments at iba pang gastusin.
Naglaan din umano sila ng malaking halaga bilang tulong sa typhoon hit areas at iba pang kalamidad.
Samantala, sa record pa rin ng COA, lumalabas na pinakamatipid naman sa paggamit ng pondo ang tanggapan ni Sen. Christopher “Bong” Go.
Umaabot lamang sa P33 million ang nagastos nito sa kaparehong period.