ILOILO CITY – Binigyan na ng go signal ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza si Presidential candidate Senator Manny Pacquiao na piliin si vice presidential bet Senate President Vicente Sotto III na kanyang maging ka-running mate sakaling hindi na niya kayang mangampanya.
Ito ang kinumpirma ni Pacquiao kasabay ng kanyang pagbisita sa Iloilo City kasama ang kanyang magbahay na si Jinkee Pacquiao upang makigpagkita sa mga pastor mula sa iba’t-ibang denominasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pacquaio, sinabi nito nagpapagaling na si Atienza matapos ang kanyang operasyon sa tuhod.
Anya, abangan na lang ang susunod na kabanata kapag nakapag-usap na sila ni Sotto.
Nilinaw naman ng senador na magkaibigan sila ni Sotto at ang kanyang running mate na si Senator Panfilo Lacson.