-- Advertisements --

Pinaninindigan ni Senator Manny Pacquiao na hindi na talaga ito babalik sa boxing ring kahit ano man ang maging resulta ng presidential race sa Mayo 2022.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo sa presidential candidate, sinabi nito na hindi na niya babawiin ang binitawang salita noon at handa siya gugulin ang natitira nitong pwersa sa pagserbisyo sa tao bilang isang public servant.

42 anyos ang nasabing Filipino icon nang opisyal nitong inanunsyo ang kanyang pag-retiro sa boxing.

Siya ang nag-iisang boksingero sa buong mundo na nanalo ng world titles sa walong divisions.

Agusto noong nakaraang taon ang huling pag-akyat sa ring ni PacMan.

Matandaan na tinalo siya ni WBA world welterweight champion Yordenis Ugas via unanimous decision sa kanilang pagharap sa Las Vegas.