-- Advertisements --

Suportado ni Sen. Bong Go ang hakbang ng Government Service Insurance System (GSIS) na taasan ang life insurance benefits ng kanilang mga miyembrong government medical frontliners ng hanggang P500,000.

Sinabi ni Sen. Go, malaking tulong para sa mga medical frontliners ang additional life insurance na ibibigay ng GSIS.

Ayon kay Sen. Go, patunay ito na maraming ginagawang hakbang ang gobyerno para mas pangalagaan ang kapakanan ng ating mga medical frontliners.

Kasabay nito, nanawagan si Go na bigyan ang medical frontliners ng kaukulang equipment at supplies gaya ng personal protective equipment, facial masks at gawin silang prayoridad sa COVID-19 test protocols.

“Ang ating hangarin ay kahit sa pinaka-worse situation, nariyan ang gobyerno upang mag-abot ng solusyon at tulong para sa mga medical frontliners at mga pamilya nito,” ani Sen. Go.