-- Advertisements --

Opisyal nang mag-asawa sina singer-actress Selena Gomez at record producer Benny Blanco matapos ang ilang taong pagsasama.

Sa isang Instagram post ni Selena na may caption na “🤍 9.27.25 🤍,” ibinahagi niya ang kanilang wedding photos kung saan makikitang naka-white wedding gown siya habang naka-black tuxedo naman si Benny.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2015 nang maging co-producer si Benny ng hit single ni Selena na “Same Old Love,” na naging simula naman ng kanilang patuloy na kolaborasyon.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Selena kung paano nahulog ang kanyang loob kay Benny, na tinawag pa niyang “best friend.”

“When Benny looks at me, I don’t think he sees anything but who I am. That’s very rare to find,” ani Gomez.

Matatandaang inanunsyo nila ang kanilang relasyon sa publiko noong nakaraang taon, kasabay ng engagement announcement sa Instagram.