-- Advertisements --

Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad kung sino ang bumaril at ano ang motibo ng pagpatay sa isang seaman noong Sabado ng gabi, Nobyembre 5, sa Sitio Nangkaan, Brgy. Perrelos sa lungsod ng Carcar.

Nakilala ang biktima na si si Brian Pedrano,45 anyos at tubong Palompon, Leyte.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa boat ticket na nakuha mula sa posisyon nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakitang may kausap ang biktima na nakamotorsiklo at may isa namang nakatayo sa tapat ng mga ito na nagpailaw ng flashlight bago nangyari ang pamamaril.

Posisble pang may kinalaman ang pagpatay sa isang seryosong bagay at tila gusto ng gunman na patay na ito dahil sa natamong tama sa batok at dalawa sa dibdib.

Isasaalang-alang sa isinasagawang imbestigasyon ang lahat ng posibleng motibo. Patuloy ding nakipag-ugnayan ang pulisya sa mga kaanak ni Pedrano na umaasang makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa kanila.