Hinimok ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang publiko na pagnilayan ang tunay na diwa sa pagdiriwang ngayong ‘Araw ng Kalayaan’.
Paanyaya ng punong mahistrado na gunitain ito sa pag-aalala ng katotohanang bumuhay sa Himagsikang Pilipino at patuloy na pakikibaka para sa kasarinlan.
Binigyang diin ni Chief Justice Gesmundo na ang tunay na malayang bansa ay makatarungan sapagkat aniya’y ang tunay na pagiging makatarungan ay malaya.
Bagama’t isang siglo na ang lumipas nang unang ipagdiwang ang kasarinlan, naniniwala siyang sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, hindi nahihinto ang pakikibaka sa kalayaan.
Bukod pa rito’y panawagan sa mamamayan na makiisa sa pagtaguyod ng kalayaan hindi lamang sa mananakop kundi pagiging mulaya mula sa korapsyon, pagkamakasarili at kapabayaan.
Tungkulin aniya raw ng bawat-isa tumugon sa tawag na ito dahil kaakibat ng mga karapatan at kalayaang tinatamasa ngayon ay ang pananagutan bilang mga Pilipino.
Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, bilang panauhing pandangal kasama ang alkalde ng Angeles City Pampanga, mga opisyal mula sa lokal pamahalaan at iba pa, ay nakiisa sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kasarinlan sa National Museum of Social History o kilala din dati bilang Pamintuan mansion.
Dito sa naturang lokasyon ay ipinagdiwang ni dating Pangulo Emilio Aguinaldo ang unang anibersaryo ng selebrasyon.
Kung kaya’t nag-iwan pa ng mensahe ang punong mahistrado kasabay sa kanyang pagtanggap na magreretiro na din sa posisyon ngayong taon.
















