-- Advertisements --

Target ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na gumawa ng record sa paghost ng bansa sa 2023 FIBA Baskeball World Cup.

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na nais nilang mapuno ang 55,000 capacity ng Philippine Arena pagdating ng Agosto 25 sa laban ng Pilipinas kontra Dominican Republic.

Magsisimula ang laro ng Gilas Pilipinas sa oras ng alas-8 ng gabi pagkatapos ng Group A inaugural match sa pagitan ng Angola at Italy ng alas-4 ng gabi.

Nais kasi ng SBP na higitan ang 32,616 na attendance ng finals ng 1994 FIBA World Cup Cahmpionship na ginanap sa Toronto, Canada kung saan nagwagi ang Team USA kontra Russia sa score na 137-91.

Para maabot aniya ang nasabing bilang ay may mga promos na ginagawa ang SBP sa mga bibili nga maaga ng kanilang tickets.

Pinakamaraming crowd na nanood sa isang basketball game ay noong 2017 PBA Governors Cup sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts kung saan mayroong 54,086 katao ang nanood.