-- Advertisements --
Ipinapaubaya na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kongreso ang naturalization ni Bennie Boatwright.
Target kasi ng SBP na maisama si Boatwright sa line up ng Gilas Pilipinas.
Sinabi ni SBP Executive Director Erika Dy, na mula pa noong nagbukas ang 20th Congress ay nagsumite na sila ng mga kailangan na dokumento.
Mula noon ay hinihintay na lamang nila ang go-signal mula sa gobyerno.
Nasa pag-iskedule na lamang ang hinihintay nila sa senado.
Naniniwala si Dy na may malaking tulong sa Gilas Pilipinas si Boatwright kapag naaprubahan na ang naturalization nito.