Nanawagan ang mga manufacturers ng sardinas sa mga local government units na payagan silang mangisda sa mga municipal waters.
Ayon kay Francisco Buencamino, ang executive director ng Canned Sardines Association of the Philippines, na sa nasabing hakbang ay para hindi magkulang ang suplay ng isdang tamban.
Dagdag pa nito na aabot lamang sa 40 percent na mga isda ang nakukuha ngayon ng mga mangingisda.
Ang tamban kasi ay isang uri ng migratory fish na pumupunta sa mga lugar kung saan mayroong mga pagkain.
Makakatulong ang mga LGU kung payagan ang mga ito na mangisda ng hanggang 10.1 kilometers mula sa tabing-dagat.
Naghahanda rin ang mga ito sa closed fishing season na magsisimula sa Disyembre hanggang Pebrero kung saan bawal ang mga commercial fishing vessels na mangisda.