-- Advertisements --
DOST Phivolcs, front (Diliman, Quezon City)(2019 04 29)

Niyanig ang bayan ng Maitum, Saranggani Province kaninang umaga, ng 4.7 magnitude na lindol.

Sa datus na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), nangyari ang naturang pagyanig kaninang 8:10 ng umaga.

Naitala ito ang sentro ng naturang lindol sa 19 kms timog Kanluran ng naturang bayan.

Batay pa rin sa datus ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 3 at 4 sa General Santos City, habang Intensity V – Kiamba, Sarangani.

Naitala rin ang Intensity 3 sa Pikit, Cotabato; Malungon at Maasim, SARANGANI; Tupi at Polomolok, South Cotabato.

Wala namang inaasahang mga aftershock kasunod ng nangyaring pagdinig.