-- Advertisements --

NAGA CITY – Hangad ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin na magkaroon ng cleansing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Layunin aniya nito na mapigilang maulit ang mga insidente ng hazing kung saan may mga kadete na nalalagay sa kapahamakan ang buhay.

Una nang sinabi ni Garbin na dapat na suspendihin muna ang recruitment ng mga bagong estudyante na papasok sa loob ng PMA para matiyak ang seguridad ng mga ito at hindi na maulit ang sinapit ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio.

Samantala, tiniyak ni Garbin na patuloy nilang ilalaban ang kaso ni Dormitorio hanggang sa makuha nito ang hustisya.