-- Advertisements --

Isinilang na ni Ryza Cenon ang isang malusog na baby boy.

Sa paglalarawan ng 32-year-old actress, worth it o sulit naman ang naging napakahirap niyang naranasan sa panganganak.

Kasabay ng huling araw ng Oktubre kahapon nanganak si Cenon sa first baby nila ng cinematographer mula sa Bacolod City na si Miguel Antonio Cruz.

Nitong Hulyo nang aminin ni Ryza na five months na ang kanyang “quarantine baby” at hindi muna prayoridad ang pagpapakasal.

“Willing siyang (Miguel) pakasalan ako. Pero ako po ‘yung hindi pa ready. For me kasi, it’s too early para mag-decide. Any age naman, puwede kang magpakasal. Pero mas magandang mag-build muna ng foundation sa relationship… Nag-jump na po kami ng level. Hindi na kami dumaan sa process na magpakasal muna.”

Huling nakilala ng publiko bilang boyfriend ni Cenon ay ang aktor na si Cholo Barretto.