-- Advertisements --
Tila ikinokonsidera ni Ruffa Gutierrez na bigyan ng part 2 ang guest appearance sa sexy dance videos ng kanyang panganay na anak na si Lorin.
Ito’y kahit pa una nitong sinaway ang modelong si Lorin dahil sa pag-twerk o ‘yaong dance steps kung saan nagba-bounce o pinapaalog ang pwet na kadalasan ay naka-squat position.
Ayon sa 46-year old beauty queen turned actress, paborito na tuloy nito ang dance craze na “WAP” kahit pa inilarawan bilang “horrible” ang dance moves ng anak.
Kamakailan lang nang magdiwang ng kanyang 17th birthday si Lorin, habang ang nakakabatang kapatod na si Venice ay turning 16 naman sa unang “ber” month.
Mga anak sila ng Miss World 1993 second runner-up sa nakahiwalayang Turkish husband na si Yilmaz Bektas.