-- Advertisements --

Tanging magagandang alaala lamang ang gustong baunin ni Ruby Rodriguez kasabay ng kumpirmasyon na tuluyan nang binawian ng buhay ang kanyang kapatid na doktor.

Sa emosyonal na online post ng TV host/comedianne ngayong March 26, pang-10 araw ng “Luzon lockdown” dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), laman nito ang complete family picture na kuha noong Christmas ng nakaraang taon.

Ayon sa 54-year-old actress, nawa’y maging masaya sa langit ang kanyang ate at huwag nang alalahanin silang mga naiwang mahal sa buhay.

https://www.instagram.com/p/B-LWkINn2gs/?utm_source=ig_embed

Nabatid na si Dr. Salvacion “Sally” Rodriguez Gatchalian ang pang-pitong doktor na namatay dahil sa COVID-19.

Nitong weekend nang kumalat sa social media ang noo’y fake news na patay na ang kapatid, pero giit ni Ruby na “weak but stable” ito.

“I have been quiet all this time about Dr Sally Gatchalian status.”

“Yes she is my sister.”

“Yes she is confined.”

Yes we all are praying and scared.”