-- Advertisements --
Nilinaw ni Dianne Medina na sadyang hindi lang “showy” sa publiko ang kanyang asawa at kapwa artistang si Rodjun Cruz.
Pahayag ito ng 33-year old TV host/model matapos punahin ng mga fans na tila siya lang daw ang mayroong career sa gitna ng pandemya gayong buntis ito.
Ayon kay Dianne, humble at hindi kasi ma-post sa social media ang 32-year old actor pero kumikita pa rin ito maliban sa mga endorsement.
Taong 2019 nang ikasal ang dalawa sa Manila Cathedral matapos ang 12 years na pagiging magkasintahan.
Sa ngayon ay 7 months pregnant na ang pinsan ni 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina.