-- Advertisements --

Naniniwala ang United States Department of Agriculture (USDA) na tataas ng 100,000 metric tons ng bigas ang iaangkat ng Pilipinas.

Ang nasabing bilang na rice imports na bansa na may kabuuang 3.9 milyon metric tons ay mas mataas sa 3.8-M metric tons na kanilang forecast noong Enero.

Noong Enero 21, ay sinabi ng ahensiya na maaaring malampasan na ng Pilipinas ang China bilang top rice importer ngayong taon.

Sa pagtaya din ng USDA ay magkakaroon ng mataas na suplay at pagkunsomo ng bigas ngayon taon.

Noong Enero 11 kasi ay sinabi ng Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture na dumating na sa bansa ang 56,090 metric tons ng mga imported rice sa bansa.