-- Advertisements --
Binawi ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nauna nitong pahintulot sa mga religious activities at work-related gatherings sa mga lugar na nasa ilalim na sa general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinakinggan ng IATF ang panawagan ng local officials na hindi pa dapat na pahintulutan ang pagsasagawa ng gayung uri ng aktibidad.
Ayon kay Sec. Roque, nakaugnayan na ng IATF ang lider ng iba’t ibang religious sector kaugnay sa pinakahuling development.
Inihayag ni Sec. Roque na sang-ayon naman ang mga religious leaders hinggil sa naging pagbawi sa naunang pagpayaga na sa pagtitipon ang iba’t ibang relihiyon.