-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga personalidad na mayroong kaugnayan pagbaril-patay sa reggae vocalist ng local band sa Purok 2,Reclamation Area ng Salay,Misamis Oriental.

Kinilala ang nasawing biktima na si Orly John Ajan,25 anyos,binata na taga-Barangay Cogon,Balingasag ng lalawigan at kasulukyang reggae vocalist ng bandang BINHIS LASANG PH.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental PNP spokesperson Capt Geraldine Botanas na pauwi na ang biktima mula sa kanyang stage performance ng biglaang binaril ang ulo ng motorcycle in tandem suspect bago pa man ito makasakay ng sasakyan noong nakaraang gabi.

Sinabi ni Botanas na anggulo ng ‘love triangle’ ang tinutukan ng pulisya habang person of interest ang nobya nito dahil bago nangyari ang kremin ay nakaalitan niya ito at mayroong dalawang katao rin ang naghahanap sa bahay ng biktima.

Lumutang na rin dalawang testigo na naghayag ng kahandaan tumulong upang maisampa ang kasong murder laban sa mga salarin na nasa likod ng kremin.