Nagtapos sa top 6 si Red Spiegelman ng Pilipinas sa Miss International Queen 2026, matapos mabigong makapasok sa Top 3 sa coronation night na ginanap noong Sabado, Setyembre 19, sa Pattaya, Thailand.
Kasama ni Spiegelman sa Top 6 sina Catalina Vallejo ng Colombia, Ines Mess ng France, Lo Colby ng United States, Saki Iwai ng Japan, at Theerachaya Pimkitidaj ng Thailand.
Mula sa Top 6, tatlo lamang ang aabante sa final round, Nabigo si Spiegelman na makapasok sa Top 3, tanging ang mga kandidata mula sa United States, Thailand at Japan lamang ang nakapasok sa finale.
Sa huli, itinanghal na Miss International Queen 2026 si Lo Colby ng United States, na nagbigay sa bansa ng back-to-back victory matapos ang pagkapanalo ni Midori Monet noong 2025.
Samantala noong 2022, huling nasungkit naman ni Fuschia Anne Ravena ng Pilipinas ang korona ng Miss International Queen.










