-- Advertisements --

Kaagad umagapay ang Philippine Red Cross sa mga residente ng Batangas City dahil sa lampas tao na baha na dulot ng bagyong Rolly.

Sinabi ni Red Cross chairman Senator Richard Gordon na nagpadala ang naturang humatarian organization ng rescue team sa Barangay San Isidro matapos manawagan ng tulong ang mga residente.

Makikita sa mga litrato mula sa Red Criss kung gaano kataas ang baha dahil sa malakas na ulan na dala ng bagyo.

Gamit ang tali ay sinuong ng rescue teams ang mmga kabahayan sa Brgy. San Isidro na lumubog na sa taas ng tubig.

Dinala naman ang mga na-rescue sa isang evacuation center at oras-oras na pinaalalahanan ang mga evacuees na panatilihing nakasuot ang kanilang face maskl at sumunod sa social distancing.

Nananawagan naman ng tulong si Batangas Disaster Risk Reduction and Management Council chief Lito Castro ng mga volunteers mula sa regional government agencies upang umagapay din sa pagresponde.

Sa ngayon ay tinitiyak pa nito na aabot ng 300 pamilya ang kanilang na-rescue.