-- Advertisements --
Muling binuhay ni Finance Secretary Ralph Recto ang planong pagbebenta ng mga assets ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi nito na ang plano ay para mailipat ito sa bagong business district na siyang magbibigay ng dagdag na kita sa gobyerno.
Nakatutok kasi ang kaniyang departmento sa one-time na malaking kita sa pamamagitan ng privatization bukod pa sa mga administration.
Ang nasabing ideya ay hindi na bago dahil noon pang panahon ni dating finance secretary Carlos Dominguez ay pumayag na sa proposal na maisapribado na ang NAIA para makakulekta ng kita na pambayad sa mga utang.