Umakyat na sa walo ang bilang ng mga bangkay na na-recover sa bayan ng Roxas sa Palawan walong araw matapos na sinalanta ng Bagyong Odette ang naturang lugar noong Disyembre 16.
Nadagdagan ang bilang ng mga na-recover na bangkay matapos na makita ng Roxas Fire Station ang katawan ng isang missing person sa Barangay Tumarbong.
Samantala, patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang lima pang mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mahanap kasunod nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Para sa buong Palawan, sinabi ng mga lokal na pamahalaan na 19 ang fatalities at 10 ang nawawalang indibidwal dahil sa Bagyong Odette.
Sa buong bansa, ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette ay umakyat sa 378 katao habang 60 pa ang patuloy na hinahanap.