-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbakasyon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang hometown sa Estancia, Iloilo.
Ito ay kasabay ng kanyang pagkumpirma ng relasyon nila ng actor na si Jeric Gonzales.
Si Rabiya ay umuwi sa Iloilo para sa filming ng kanyang Netflix series na “A Love To Kill” kung saan makakasama niya ang actor na si Ian Veneracion at kapwa beauty queen na si Nicole Cordoves.
Binisita rin ni Rabiya ang kanyang eskwelahan at mga kaibigan sa Iloilo.