Nakikita ni Russian president Vladimir Putin na posible ang isang kasunduan para wakasan ang digmaan sa Ukraine, habang umaasa naman ang Kyiv na magkakaroon ng panibagong momentum ang mga pagsisikap para sa kapayapaan.
Ayon kay Putin, handang tumulong ang ilang bansa, kabilang ang United States at China, sa pagtatapos ng labanan.
Gayunman, sinabi niyang kailangang lutasin mismo ng Russia at Ukraine ang kanilang sigalot.
Sinabi naman ni Ukrainian foreign minister Andrii Sybiha na inaasahan niya ang isang “New dynamic” sa peace efforts, kasabay ng pagbabalik ng aktibong diplomatic engagement sa iba’t ibang bansa.
Gayunman, nananatili ang malalaking hamon sa negosasyon. Patuloy ang mga pag-atake ng magkabilang panig sa himpapawid at dagat, habang sinabi ni putin na ang mga umano’y pag-atake ng Ukraine sa civilian merchant ships at banta sa civilian aircraft ay nakahahadlang sa bilateral peace talks.
Samantala, sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na inaasahang bibisita sa Moscow at Kyiv sa mga susunod na araw ang mga u.S. Negotiator bilang bahagi ng panibagong diplomatic push para wakasan ang digmaan.















