ILOILO CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang isang pulis matapos binaril ng subject sa isang police operation sa Brgy. Cagay Leon, Iloilo.
Ang biktima ay si Police Staff Sgt. Jessie Cabalfin, imbestigador ng Leon Municipal Police Station at ang suspek naman ay si Ernesto Capio, 61, residente rin ng nasabing lugar, myembro ng private armed group sa Mindanao at nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay sa isang barangay chairman.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Ryan Orleans, Deputy Chief of Police ng Leon PNP, sinabi nito na paakyat na sana sa bundok ang mga pulis at magsisilbi sana ng warrant of arrest ng binaril ni Capio sa likod si Cabalfin gamit ang home made shot gun.
Nahuli naman si Capio sa isinagawang hot pursuit operation sa Brgy. Danao sa nasabing bayan at idinipensa na napagkamalan lang nitong na rebelde ang pulis.
.