-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mamahagi ang provincial government ng mga mini dump truck sa mga barangay sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Rodito Albano, sinabi niya na aabot sa 500 mini dump truck ang ipapamahagi sa iba’t ibang mga barangay sa lalawigan ngayong taon.

Sa ngayon ay mayroon ng 150 mini dump truck ang handang ipamahagi.

Ang pondong ginamit sa pambili ng mga mini dump truck ay pondong ibinibigay ng provincial government sa mga barangay bawat taon.

Ayon kay Governor Albano, uunahing bigyan ang mga barangay na nasa forest region ng Isabela.