DAGUPAN CITY – Nais muna maging pribado mula sa publiko ng mga kaanak ng Pinay na pinatay ng asawa nito sa Texas, USA.
Sa mensaheng ipinaaabot ng pamilya ng biktimang si Allysa Mejia-Rogers sinabi nito na gusto muna nila ng privacy matapos ang sinapit ng Pinay mula sa asawa nito.
Hinihintay na rin daw nilang maiuwi sa kanilang bahay sa Bayambang ang labi ng biktima
Kung maaalala, nakita ang bangkay ng biktima sa freezer, gayundin ang katawan ng suspek na mister nito na si Edward Rogers nang magpunta sa bahay nila ang pulisya.
Batay sa ulat, gusto ng makipag-divorce ni Mejia sa asawa dahil sinasaktan umano siya nito.
Nakasaad din sa police report, na inamin ni Edward sa kaniyang mga kaanak at kaibigan na inilagay niya sa freezer ang kaniyang misis.