-- Advertisements --
BBM PBMM marcos signing

Kinumpirma ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na matutuloy ang pinasukang kontrata na nagkakahalaga ng $38-million military helicopter contract sa Russia.

Ginawa ng Presidente ang paglilinaw matapos na sabihin ng Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na dapat ituloy ng Philippine government ang deal sa 16 na helicopters na naunang kinansela ng Duterte administration.

Paliwanag naman ng Pangulong Marcos, noon pa mang nakaraang administrasyon ay nagdesisyon na kinansela na ito.]

Sa ngayon pinipilit daw ng pamahalaan na makuha man lamang ang percentage sa ibinigay na downpayment.

Aniya, ang Philippine government ay nakakita na rin umano ng alternative supply para sa kakailanganing mga helicopters at ito ay sa amerika sa pamamagitan ng manufacturer mula sa Poland.