-- Advertisements --

No comment pa si Vatican spokesman Matteo Bruni kaugnay sa impormasyon mula sa isang Italian newspaper na negatibo sa Coronavirus si Pope Francis.

Nitong weekend nang maging usap-usapan ang unang beses na pagkansela ng Santo Papa sa Lent dahil biglang inubo at sumama ang pakiramdam.

Ito’y sa gitna ng pagdanas din ng Italy sa outbreak ng Coronavirus.

Nabatid na maging ilang event ng 83-year-old Roman Catholic leader ay kinansela nito sa mga nakalipas na linggo.