Pinangunahan ni Pope Leo XIV ang Chrism Mass ngayong Huwebes Santo, Abril 2 sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Ang Chrism mass ay isang espesyal na misa tuwing Semana Santa, kung saan binabasbasan ang mga banal na langis na gagamitin sa mga sakramento sa buong taon. Dito rin, isinasagawa ang renewal o pagsasariwa ng pangako ng mga pari sa kanilang bokasyon sa harap ng mga mananampalataya.
Dinaluhan ng daan-daang obispo at mga pari ang misa, na nag-renew ng kanilang mga pangako noong sila ay na-ordinahan.
Sa kaniyang unang homilya para sa Chrism Mass bilang Obispo ng Roma, binigyang-diin ng Santo Papa ang pagsisimula ngayong Huwebes Santo ng Easter Triduum o banal na tatlong araw ng paggunita sa pasyon, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus, ang pinakasagradong panahon sa Semana Santa.
Pinagnilayan din ng Santo Papa ang misyon o tawag ng Diyos para sa bawat Kristiyano, na aniya’y misyong pareho kay Hesus.
Bago ang Easter Triduum, na magsisimula sa pamamagitan ng Misa ng Lord’s Supper gabi nitong Huwebes, sinabi ng Santo Papa na ang pagtatapos ng Christian liturgical year ay may kapangyarihan para baguhin ang pride ng tao, hilumin ang mga sugat at pagkasunduin at tipunin tayo.
Pinagnilayan din ng Holy Father ang tatlong aspeto ng Christian mission: ang detachment, encounter at posibilidad ng hindi pagkakaunawaan at pagtanggi.
Sa huli, hinimok ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na labanan ang anumang takot kasabay ng ating pagpapahayag ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
















