Inalala ng lider ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na namatay sa giyera at karahasan kasabay ng pagdiriwang ng taunang World Press Freedom Day nitong ikatlo ng Mayo.
Sa kanyang lingguhang panalangin sa St. Peter’s Square, binigyang-diin ng Santo Papa na dapat alalahanin ang mga mamamahayag na nawalan ng buhay habang hinahanap ang katotohanan sa mga lugar na may gulo.
Sinabi ni Pope Leo na ang mga mamamahayag na ito ay biktima ng digmaan at karahasan, at pinuri ang kanilang lakas ng loob na mag-ulat sa gitna ng panganib.
Binigyang-diin din ng Santo Papa na ang impormasyon ay isang “public good” na dapat protektahan laban sa manipulasyon.
Binatikos din niya ang patuloy na paglabag sa kalayaan ng media sa buong mundo, na tinawag niyang “madalas na nilalabag.”
















