-- Advertisements --
Ipinadala ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang kaniyang special envoy sa mga Catholic event sa Democratic Republic of Congo.
Dumalo na rin si Tagle sa ikatlong National Eucharistic Congress sa Lubumbashi, sa central African Country.
Bumisita rin ito sa Goma City sa North Kivu Province na labis na naapektuhan ng civil war.
Sinabi ni Tagle na nakita niya ang mga kasiyahan at pag-asa sa mga lugar na kaniyang napuntahan.
Ikinatuwa nito ang matibay na pagtitiwala ng mga tao sa Maykapal at ang kanilang palagiang pagdarasal.
Magugunitang si Tagle rin ay naninilbihan bilang pro-prefect for the Dicastery for Evangelization ang departmento ng Roman Curia na pinamumunuan ng Santo Papa.