Dismayado ngayong si Pope Francis matapos na makansela ang planong pagbisita niya sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.
Ito ay makaraang makaramdam ang santo papa ng sakit sa tuhod dulot ng kaniyang sakit na chronic arthritis dahilan kung bakit kinailangan nilang ipagpaliban muna ang ilan sa mga aktibidad nito sa nakalipas n mga buwan.
Sa isang statement ay nagpahayag ng pagkadismaya si Pope Francis ngunit nananatili pa rin aniya siyang umaasa na matutuloy din niya ang planong pagbisita sa lalong madaling panahon.
Nagpaabot din ng tauspusong mensahe si Santo Papa Francisco kung saan sinabi niya na hindi sapat ang bawat salitang kaniyang sasambitin para ipahiwatig at iparamdam ang kaniyang pagiging malapit at pagmamahal para sa lahat ng mga Congolese at South Sudanese.
Matatandaan na noong Hunyo 10 ay ipinagpaliban ng Vatican ang pagbisita ni Pope Francis sa South Sudan at Democratic Republic of Congo (DRC) dahil sa payo ng doktor upang maiwasang malagay sa panganib ang kaniyang kalusugan.








